Thursday, November 7, 2013 0

Yolanda Haiyan

in , , , ,

Maraming masaya at hindi masaya ngayon. Masaya yung iba dahil walang pasok ang mga estudyante, hindi kasi sila makakapagpasa ng assignment na report o summary tungkol sa pag-uusig kay Janet Napoles; na hindi naman sumasagot ng maayos. Yung iba naman ay hindi masaya dahil nakakaranas na sila ng hagupit ng bagyo at yung iba ay makakaranas palang.
Isang dahilan ng pagkawala ng mga pasok sa eskwela at trabaho ay dahil sa bagyo. Bagyo din ang may dahilan ng pagkawala ng ng bahay, buhay, talambuhay ng ibang tao.
Itinalagang walang pasok ngayong Biyernes, ika-8 ng Nobyembre, taong 2013, sa mga lugar na madadaanan ng bagyong Yolanda. Ang bagyong Yolanda ay may lakas na category 5 hurricane, na may bilis na 245 km/hr. Anong ibig kong sabihin sa pinagsasabi ko tungkol sa bagyo? Ang bagyo ay may sapat na lakas ng hangin para matangay ang bubong na yero ng bahay niyo. Lahat ng halaman, puno, at poste ng Meralco ay kayang patumbahin. Kayang kalampagin ang nakabukas na bintana at pintuan, tanga ka lang kung bubuksan mo talaga. At syrete mo pa kung mababasa mo itong blog ko, dahil hindi nag-brownout sa inyo.
Pero kung ganun pa man ang mangyari ay kailangan nalang nating maging handa, wala nga lang akong maipapayo tungkol sa kaligtasan sa oras ng bagyo. Yung iba naman ay mag diwang dahil walang pasok.
Dapat ba akong matuwa dahil walang pasok? Wala naman talaga akong pasok araw-araw, hindi naman kasi ako nag-aaral o nagtatrabaho. Malulungot pa nga ata ako kung magiging malakas ang ulan, dahil sa hindi ako makakatamabay  sa lasangan, kasama ang mga kaibigan.
"Lansangan ang pinaka magandang tambayan. Sobrang nakakalibang kahit naka upo lang."

Wednesday, November 6, 2013 1

Pag-ibig sa murang edad.

Naalala ko noong nasa elementary pa ako, nagkaroon ako ng puppy love. Yun ang una kong pagkaktaon na magkaroon ng kasintahan. Masyado pa akong bata noon, hindi ko panga alam ang mga bagay na tungkol sa pag-ibig. Bigla ko lang narandaman at nagustuhan yung pakirandam.
Aksidente akong napaibig sa masungit naming presidente ng klase. Lagi ko siyang kaasaran at kaaway. Lagi niya kasi akong nililista na isa sa mga maiingay at magulo tuwing recess, at dahil doon ay galit ako sa kanya, may multa kasi yun. Dahil dun, walang araw na hindi ko siya inaasar at ginagalit, pinanindigan ko kasi ang pagiging maingay at magulo.
Malapit na ang graduation at bakasyon. Ang huli naming aktibidad sa MSEP (Musika, Sining, at Edukasyong Pangkalusugan) ay sumayaw ng CariƱosa. Sa kinasamaang palad ang masungit naming presidente ang aking naka pareha, dahil bagay daw kami. Maputi siya at kayumanggi ako, at dahil dun ay tuwang-tuwa ang mga guro namin, para daw kaming kape at gatas. Sa bawat linggo naming pag-eensayo ay unti-unti na kaming nagiging malapit sa isat-isa, nakalimutan na namin na kami ay magkagalit.
Nanibago ako nung naging malapit kami sa isat-isa. Hindi na niya kasi ako nililista, hindi na kami nag-aasaran, nag-aaway, magkatabi na kami ng upuan, at sabay na kaming umuwi. Ang pinaka kakaiba sa lahat ay may tawagan pa kami sa isat-isa, ako si Mcdo at siya si Jollibee. Nag simula yan noong sinimulan naming kumain lagi ng tanghalian sa mga fastfood restaurant na malapit sa eskwelahan namin. Gusto niya laging kumain sa Jollibee, dahil may palaruan doon. Gusto ko naman sa Mcdonalds dahil gusto ko lang na kontrahin ang gusto niya.
Natutunan kong maglakad pauwi ng dahil sa kanya. Hindi katulad dati na sumasakay ako ng tricycle, medyo malayo kasi ang bahay namin, habang sa kanya ay kaunting lakad lang ang lalakarin. Isang araw habang kami ay naglalakad , nabuksan niya ang paksa tungkol sa pagkakaroon ng kasintahan, dahil doon ay umamin akong gusto ko siya at gusto ko siya maging kasintahan. Pinasabik pa niya ako, kinabukasan pa niya sinabi ang sagot. Hindi ko inaasahan ang paraan na ginawa niya. Ang sabi niya kasi, pag hinalikan niya ako sa pisngi , kasintahan ko na daw siya.
Kinabukasan pag-uwi namin, hinawakan niya ako sa ulo at pilit na inilapit ang pisngi ko sa mga labi niya. Ang sandaling iyon ang nagpahinto sa ng saglit sa mundo ko. Unang beses ko kasing nahalikan ng babae bukod sa ina ko. Ang halik na iyon ang naging hudyat na kami ay magkasintahan na.
Ang relasyon namin ay naging parang seryoso. Kasi naman ay nagkaroon kami ng problema. Ang problema na iyon ay ako din ang may kasalanan, nagkaroon kasi ako ng isa pang kasintahan, kahit kasintahan ko pa siya. Tawagin nalang natin na “kabit” ang isa ko pang kasintahan.
Ang kabit ko ay kapatid ng kalaro at kapitbahay namin dati. Mas matanda ang kabit ko kesa sa akin, kaya kinaya niyang pagtripan ako. Wala akong magawa noong nag desisyon siya na maging magkasintahan na kami. Sinabi ko sa kanyang meron na akong kasintahan, at hindi siya naniwala.
Nasurpresa ako noong pumunta ang kabit ko sa eskwela namin at sabay daw kaming umuwi. Pilit kung ikinubli ang relasyon namin, ngunit hindi ko napigilan ang ang pagiging malambing niya sa akin. Nakita ako ng ako ng kasintahan ko nung lumabas siya ng eskwelahan. Ibinato ng kasintahan ko ang napagkalaki-laki niyang bag sa akin, sinabi niya sa akin na isa akong madaya. Tumakbo siya paalis habang umiiyak, at ang kabit ko naman ay hindi makapaniwala sa nasaksihan niya.
Naging malamig ang pakikitungo ng kasintahan ko sa akin simula nung nakita niyang may iba pa pala akong kasintahan. Hindi na niya ako pinapansin, kahit nageensayo pa kami ng sayaw. Hangang sa araw ng pagtatanghal ng sayaw ay hindi niya ako kinikibo. Kahit anong paghingi ko ng tawad ay walang talab sa kanya. Hindi na talaga ako magkakaroon ng pagkakataon na ayusin ang pagkakamali ko, hindi ko na kasi siya magiging kaklase uli. Nalalapit na kasi ang graduation.
Gusto ko parin sanang humingi ng tawad hangang sa ngayon. Gusto ko sana siyang hanapin, ngunit hindi ko na maalala ang buong pangalan niya. Baka sakaling masaliksik ko siya sa mga social networking sites.
At doon nagtatapos ang kwento ng pag-ibig kong bitin.

Powered by Blogger.